Ni Marivic Awitan

SA ikatlong sunod na taon, tiyak na magkakaroon ng bagong kampeon sa NCAA Seniors Football tournament.

Ito ‘y matapos na patalsikin ng College of Saint Benilde ang dating kampeong San Beda College sa kanilang do or die game sa Final Four ng NCAA Season 93 football tournament nitong Miyerkules ng gabi sa Rizal Memorial Stadium.

Isang late goal ni substitute Wilmer Lopes ang match winner may limang minuto na lamang ang nalalabi sa regulation,upang magapi ang Red Boogers, 1-0, at makausad sa Finals. .

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ikinatuwa naman ni Blazers head coach Marlon Maro ang pagsunod ng Taft-based squad sa kanilang game plan .“Happy. I told them to send the game to the last minutes, and we’ll get it.”

Pagkaraan ng kabiguan ng dalawang koponan na makaiskor sa first half, lalong naging agresibo ang San Beda sa second half at muntik ng maka goal si Jerome Marzan, ngunit natawagan ng offside ang kanyang header.

Dahil sa panalo, naitakda ang duwelo ng naunang finalist Arellano University Chiefs ngayong gabi sa parehas ding venue.