Ni FRANCIS T. WAKEFIELD

Inihayag ni Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom) chief Lt. Gen. Carlito Galvez na target ng militar na pulbusin ang mga teroristang grupo ng Abu Sayyaf Group (ASG) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) hanggang sa huling bahagi ng taong 2018.

Sa isang panayam, sinabi ni Galvez na gagawin ng militar ang lahat ng makakaya nito upang maisakatuparan ang pag-neutralize sa mga grupong terorista sa Western Mindanao.

“We will, we will. That's our challenge and we will push our capabilities to accomplish this task,” sabi ni Galvez.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi naman ni Joint Task Force Sulu chief Brig. General Cirilito Sobejana na maisasakatuparan ang target na tuluyang madurog ang Abu Sayyaf ngayong taon.

“That's the reason why I didn't come home because we want it done as soon as possible. So what we are doing is best effort. We are trying to get the leadership because what we saw, from the result of the nuetralization of the subleaders, a lot has surrendered because they are no longer being led,” sabi ni Sobejana.

Ayon kay Galvez, pinakamalalaking banta ng armadong grupo na kinahaharap ng WestMinCom ay ang BIFF sa Maguindanao at ang Abu Sayyaf sa Sulu.

Aniya, may tatlong paksiyon ang BIFF na kumikilos sa kasalukuyan—ang Bongos, Karialan at Toraype. Sa tatlong nabanggit na paksiyon, kumpirmadong may alyansa sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang Bongos at Toraype.

Kaugnay nito, sinabi ni Galvez na bineberipika pa ng militar ang napaulat na nagdatingan sa Mindanao ang mga dayuhang terorista sa pamamagitan ng pagdaan sa backdoor sa Mindanao.