Ni Fer Taboy

Kritikal ang lagay ng apat na miyembro ng Scout Ranger matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang truck sa Manay, Davao Oriental, iniulat kahapon.

Ayon sa report ng Manay Municipal Police, nangyari ang insidente sa Barangay San Ignacio sa bayan ng Manay.

Nabatid ang apat na biktima ay pawang tauhan ng 701st Infantry Brigade ng Philippine Army (PA), na hindi pa pinapangalanan ng pulisya.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sinabi ni Chief Insp. Lino Akiangan, hepe ng Manay Police, na galing sa Bgy. Macopa sa Manay ang mga sundalo at pabalik na sa kanilang kampo nang magkaroon ng aberya ang sinasakyan nilang truck hanggang sa bumulusok sa bangin.

Kaagad na nagkasa ng rescue operation ng lokal na pamahalaan at dinala sa ospital ang mga sundalo, na patuloy pang inoobserbahan ng mga doktor ang kalagayan.