IKINATUWA ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ang ipinamalas ng mga kabataang manlalaro na napili nila para sa 2023 sa ginawa nilang pagsama sa Nationals practice nitong Lunes sa Meralco Gym sa Pasig.

“I was very pleased with the kind of engagement that I saw,” pahayag ni Reyes, makaraang mapanood si Isaac Go, Thirdy Ravena, Kemark Carino, Paul Desiderio, J-jay Alejandro, Javee Mocon, Robert Bolick, Juan Gomez De Liano, Will Gozum, CJ Perez, at Jeo Ambohot sa ensayo.

Maagang nasubukan ang mga manlalaro matapos silang ipailalim ng beteranong coach sa parehas na drills na ipinapagawa nya sa mga miyembro ng Gilas upang malaman kung sino madaling makakakuha ng sistema.

“We purposely are making them do things quickly because we’re trying to see who can pick up very quickly. Kaya kagaya nun, konting runs, konting sets lang, sinabak na agad namin sila sa ginagawa ng vets,” ani Reyes.“Like I told them, that’s my expectation of them cause they’re the best of the best. “

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“They’re the cream of the crop so ang pag-pick up sa kanila dapat very quick. That’s why we are trying to do these things,” dagdag nito.

Plano ng Gilas coaching staff na patuloy na sanayin at gawin ang pinagsamang lingguhang ensayo ng mga kabataang manlalaro at ng mga beteranong manlalaro ng Gilas.

“For now, thats the plan util we can come up with a more regular, more definite schedule. As I’ve said, this is far from fixed. Ang gusto lang namin masimulan, maumpisahan. Done is better than perfect,” ayon kay Reyes.

“This is far from a perfect plan, but at least, we got it done, we got it started. Yun ang importante.” - Marivic Awitan