Ni Beth Camia

Itinalaga ni Pangulong Duterte si Rear Admiral Elson Hermogino bilang bagong commandant ng Philippine Coast Guard (PCG) at nilagdaan ng Pangulo ang appointment paper ni Hermogino nitong Huwebes.

Ayon kay PCG Spokesman Armand Balilio, si Hermogino ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1995 at

kasalukuyang Maritime Safety Service Commander ng PCG.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Bukod kay Hermogino, itinalaga rin ni Pangulong Duterte bilang bagong rear admiral ng PCG sina Joel Garcia, Roland Legaspi at Leopoldo Laroya.

Miyembro ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) Class 1986 si Garcia habang si Legaspi naman ay miyembro ng PMA 1987 at kasalukuyang commander ng Marine Environmental Protection Command, samantalang si Laroya ay miyembro ng PMA Class 1988, at kasalukuyang commander ng Maritime Law Enforcement Command.