Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY – Nalambat ng mga operatiba ng Tarlac City Police ang isang umano’y matinik na drug addict sa Sitio Centro, Barangay Matatalaib, Tarlac City, nitong Huwebes ng hapon.

Naaresto sa operasyon si Ransam Corpuz, 32, may asawa, ng nasabing lugar, at nakumpiskahan umano ng isang transparent plastic sachet na may 0.137 gramo ng hinihinalang shabu.

Nasamsam din umano kay Corpuz ang isa pang plastic sachet na may 3.234 gramo ng shabu, at ang Honda motorcycle na ginamit ng suspek.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog