MAX LOVI AT RHIAN copy

Ni Nitz Miralles

MALINAW ang pahayag ni Lovi Poe na walang competition sa kanila nina Max Collins at Rhian Ramos sa The One That Got Away. Inaakala kasi ng Kapuso fans na nagpapatalbugan silang tatlo maging sa mga damit pa lang na isinusuot nila.

Pinatunayan ang sinabing ito ni Lovi ng isang production staff na nakausap namin sa presscon ng sexy rom-com series.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sa taping, ‘pag nagkikita-kita ang tatlo after ng change costume, pinupuri ng bawat isa ang suot ng mga kasama at puro positive ang comments.

Naririnig ng kausap namin na sasabihin ng isa na “bagay sa ‘yo,” “you look good in that dress” at walang himig ng pagkainggit.

“Ina-uplift ng show ang kababaihan at pangit naman kung kaming cast ang magku-compete. There is absolutely no competition among us girls. We are uplifting each other. Kaya walang nakakalamang sa amin pati sa sinusuot namin.

Hindi uso sa amin ang competition at inggitan,” sabi ni Lovi.

Nabanggit din ni Lovi na nag-i-enjoy siya sa karakter ni Alex Makalintal na ginagampanan niya.

“Iba ito sa drama, light lang ito, may comedy na very much welcome sa akin dahil nakapagpahinga ako sa drama at sa iyakan. Masaya lang sa taping especially with Max and Rhia. Tama ‘yung sinabi ni Max, maingay kaming tatlo sa breaktime, pero nagso-sorry kami kay Dennis,” patuloy ni Lovi.

Sa istorya ng TOTGA, si Alex (Lovi) ang first ex ni Liam (Dennis). Nagkainlaban silang dalawa nang husto, mahal ng family ni Alex si Liam at gusto ng friends ni Liam si Alex. Pero, ni-reject ni Alex ang marriage proposal ng binata dahil mas inuna ang kanyang career goals.

Sa January 15 na ang pilot ng TOTGA na ang alam namin, isa si Maryo J. delos Reyes sa directors. Pero sa press release, sina Mark dela Cruz at Conrado Peru na lang ang nakalagay.