Ni Light A. Nolasco

QUEZON, Nueva Ecija - Wala nang buhay nang matagpuang nakabitin sa puno ng sampalok ang isang29-anyos na lalaki, makaraang hiwalayan ng kinakasama nito sa Purok 4, Barangay Bertese sa Quezon, Nueva Ecija.

Kinilala ng Quezon Municipal Police ang nagpatiwakal na si Nick Simbulan y Victorio, construction worker, ng Bgy. Sta. Rita, Cabiao, Nueva Ecija.

Dakong 6:30 ng umaga nitong Martes nang madiskubre ni Mylene Cruz y Madriaga, 24, ang bayaw na si Simbulan habang nakabigti ng nylon cord sa puno ng sampalok.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon kay Cruz, lubhang dinamdam ni Simbulan ang pakikipagkalas dito ng live-in-partner nitong Disyembre 6, 2017 sa hindi tinukoy na dahilan.