Ni Marivic Awitan

Ravena at Paras, lider sa 23 national training pool sa World Cup.

PANGUNGUNAHAN ni US-NCAA Division 1 veteran Kobe Paras at 7-foot-1 Kai Sotto ng Ateneo ang 23 National training pool na ihahanda ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) para sa Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA World Cup sa 2023.

kobe paras copy

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Kasama ng Pilipinas ang Japan at Indonesia bilang host ng pinakamalaking basketball championship (sunod sa Olympics) limang taon mula ngayon.

Sa kanyang mensahe sa social media account na Twitter, inihayag ni Gilas coach Chot Reyes nitong Biyernes ang listahan ng 23 training pool na binubuo ng mga sikat at up-and-coming high school at collegiate star.

“By no means final but for now #23for23 #, #thefuture #playlouderin2023 #basketballiscominghome,” pahayag ni Reyes sa kanyang Twitter @coachot

Bukod kay Paras, miyembro ng Cal State University at 2017 SEA Games gold medalist, nasa listahan sina Ateneo star Thirdy Ravena, NCAA MVP CJ Perez ng Lyceum of the Philippines, NCAA champion at Finals MVP Robert Bolick ng San Beda, at Fil-Nigerian AJ Edu.

Nasa listahan din sina San Beda’s Javee Mocon, at Kemark Cariño, Ateneo’s Matt Nieto at Isaac Go, University of the Philippines Paul Desiderio at Juan Gomez de Liaño, National Universit’s J-Jay Alejandro, Joshua Sinclair, at Carl Vincent Tamayo, Letran’s Jeo Ambohot, FEU’s Arvin Tolentino at Ken Tuffin, La Salle’s Abu Tratter, at Mapua’s Will Gozum.

Napili rin ni Reyes ang mga Pinoy young guns na nasa abroad tulad nina Remy Martin ng Arizona State, Dwight Ramos ng California State, at Troy Rike ng Wake Forest.

Hindi na sopresa ang pagkakapili nina Paras, Ravena, Perez at Sotto na kasalukuyang umaani ng tagumpay sa kanilang career.

Matapos ang maiksing kampanya sa UCLA, lumipat ang bunsong anak ni dating PBA MVP at Rookie of the Year Benjie Paras sa Cal State para sa pagbubukas ng NCAA season. Ilang ulit na rin siyang naging miyembro ng PH 3x3 team bago napasabak sa SEA Games sa Malaysia.

Pinangunahan naman ni Ravena, nakababatang kapatid ni Gilas mainstay at PBA No.2 rookie pick ng NLEX na si Kiefer, ang Ateneo sa UAAP championship kontra La Salle kung saan nahirang siyang Finals MVP.

Nalagay naman sa kasaysayan ng collegiate league ang Lyceum nang sandigan ni Perez ang 18-0 sweep ng Pirates sa NCAA elimination, bago bunmigay sa San Beda Red Lions, na pinagbidahan ni Bolick sa championhip match.

Sa taas na 7-foot-2 at taglay na bilis, swak si Sotto para manduhan ang gitna ng Gilas.

Matatandaang matapos ang matagumpay na kampanya ng bansa para sa hosting right ng Fiba World Cup, ipinahayag ni SBP chairman Manuel V. Pangilinan na kailangang maihanda ang mga batang players para sa kampanya ng bansa sa quadrennial meet.

Samantala, inilabas din ni Reyes ang line-up ng Gilas Pilipinas na sasabak sa second qualifying window para sa 2019 FIBA World Cup sa China.

Nakabalik sa Gilas si Jio Jalalon, hindi nakalaro sa matagumpaay na panalo laban sa Chinese-Taipei at Japan, sa unang qualifying window.

Kasama pa rin sina Jayson Castro, Kiefer Ravena, Kevin Alas, RR Pogoy, Matthew Wright, Allein Maliksi, Gabe Norwood, Calvin Abueva, Carl Bryan Cruz, Mac Belo, Troy Rosario, Raymond Almazan, Japeth Aguilar, at June Mar Fajardo.

“Just got clearance from PBA OIC Willie Marcial for Gilas to start its Monday only practices on Jan 8, 8pm. Back to work Blur, Kief, Kev, Jio, Pogs, Matt, Allein, Gabe, Calvin, CBC, Mac, Troy, Rakenrol, Japet, JMF #??????????????!

Pahayag ni Reyes sa @coachot.

Inaasahang, lalaro rin si naturalized player Andray Blatche para sa Gilas kontra Australia sa February 22 sa Melbourne, gayundin sa laro kontra Japan na gaganapin sa Manila sa February 25.