Ni NORA CALDERON

PARA kay Dennis Trillo, lucky sa kanya ang 2018.

Bakit nga ba hindi, sa pagpasok pa lamang ng Bagong Taon, pasabog na ang pinagbibidahan niyang bagong sexy, romantic comedy series na The One That Got Away sa GMA-7.

Dennis Trillo - TOTGA copy copy

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa rami ng mahuhusay na actor sa GMA Network, siya ang napili para makatambal ang tatlo sa mahuhusay at sought-after-leading ladies na sina Lovi Poe, Rhian Ramos at Max Collins.

Natawa si Dennis nang pabirong tanungin kung sino ang pipiliin niya sa tatlong leading lady niya.

“Ang hirap pong pumili, kasi pare-pareho silang mahuhusay, magaganda at mga sexy,” sagot ni Dennis. “Isang honor na makatambal ko silang lahat. Salamat GMA.”

Sa istorya, naging girlfriend sila lahat ni Liam (Dennis), una si Alex (Lovi), pangalawa si Darcy (Max) at pangatlo si Zoe (Rhian). Pare-pareho nilang iniwanan si Liam na isang organic farm owner na pangarap magkaroon ng masaya at malaking pamilya. Aabangan ang istorya kung bakit siya iniwanan ng kanyang girlfriends.

Pero ang magiging twist ng istorya, pare-pareho pang in love kay Liam ang mga ito.

Ang serye ay idinidirihe nina Mark dela Cruz at Conrado Peru.

Pero kung excited si Dennis sa The One That Got Away, excited din siya sa isang pelikulang gagawin niya ngayong taon.

Ito raw ang katuparan ng matagal na niyang dream project. Pero ayaw pa niyang magbigay ng detalye tungkol sa project na ito, maging kung sino ang producer o kung magiging co-producer ba siya.

Kasama rin sa The One That Got Away ang tatlo pang leading men ng GMA na sina Ivan Dorshner, Migo Adecer at Jason Abalos. Mapapanood na sila simula January 15 pagkatapos ng Kambal Karibal.