Ni Annie Abad
GINAPI ni top seed Angeline Alcala ng Lucena City si Glydel Guevarra ng Iriga City, 6-2, 6-7 (3), 10-6, nitong Miyerkules para makausad sa girlsâ 12-under semifinal round ng Andrada Cup sa Rizal Memorial Tennis Center.
Sunod na makakaharap ng 11-anyos na si Alcala si Airies Jean Tanawan, magaan na nakausad via walked over kontra third seed Angelyn Atos.
Sa 14-under category, ang No.2 seeded na si Alcala ay sasabak sa championship round kontra top seed Kryshana Brazal ngayon.
Mapapalaban naman ang nakatatanda niyang kapatid na si Angelica kontra Jhastine Red Ballado sa second round ng 16-under category. Nakakuha ang top-ranked na si Angelica ng bye sa first-round, habang si Ballado ay nagwagi via walked over kay Virvien Bejosano.
Ang iba pang first-round winners ay sina third seed Patricia Lim, nagwagi kay Angela Mae Soriano, 6-0, 6-0; fourth seed Althea Fay Ong, namayani kay Patricia Atis, 6-0, 6-2; at Anna Laura De Myer, nanaig kay Nizzy Pacana, 6-0, 6-0.
Nakakuha rin si second seed Gabby Zoleta ng first-round bye at makakaharap si Ysabelle Uy, nagwagi via walked over kay Angela Valdez.