BRISBANE, Australia (AP) – Isa nang ganap na ama si World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Jeff Horn.

Nakumpleto ang masayang pagtatapos ng taong 2017 para sa one-time Olympian at conqueror ni Manny Pacquiao nang magsilang ang kanyang maybahay na si Jo ng kanilang unang supling ganap na 7:40 ng gabi ng Disyembre 31.

jeff-horn (5) copy

May bigat na 3.5 kg o 7.15 pounds ang anak ni Horn na pinangalanan niyang Isabelle Kate Horn.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Sa mensaheng ipilabas ng publicist ni Horn, sinabi niyang ang pagsilang ng kanyang anak ang kumumpleto sa matagumpay at maayang taon sa kanyang buhay.

Nitong Hulyo, pumailanlang ang pangalan ni Horn sa mundo ng boxing nang maagaw niya kay eight-division world champion Manny Pacquiao ang welterweight title sa kontrobersyal na 12-eound unanimous decision

Ang panalo kay Pacman na sinaksihan ng 51,000 crowd sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia ang itinuturing ‘Upset of the Century’.

“Winning a world title was a tremendous achievement but Isabelle’s arrival is the greatest gift of all and has officially confirmed 2017 as the best year of our lives,” pahayag ni Horn sa mensahe.

Isinilang si Isabelle tatlong liggo matapos ang pagdepensa ni Horn sa titulo kontra Englishman Gary Corcoran na ginapi niya via 11-round stoppage.

Target ng 2012 Australian Olympian ang isa pang malaking laban kay mandatory challenger Terence Crawford, umakyat sa weltwerwight matapos madomina ang junior welterweight division.

Ayon kay Top Rank’s CEO Bob Arum, promoter ni Crawford, gagamitin niya ang fight option kay Horn para isagawa ang laban sa Abril 12 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

Ngunit, may alok din kay Horn para labanan sa Australia ang dating kampeon na si Anthony Mundine kung saan nakatakda siyang tumanggap ng US$2 milyon.