Ni REGGEE BONOAN

Ritz Azul at Rizpah
Ritz Azul at Rizpah
NAG-AMPON kaya ang magulang ni Ritz Azul ng baby sister niya?

Ang alam namin ay nag-iisang anak si Ritz, kaya nga bantay-sarado siya ng parents niya sa kanyang showbiz commitments at ito rin ang dahilan kung bakit no boyfriend since birth ang dalaga.

Anyway, may post sa Instagram si Ritz na may inaalalayan siyang baby girl at ang caption ay, “Best gift that we received from God in 2017. Ang sarap magkaroon ng kapatid! Okay lang maging yaya basta wag makulit. I love you sooo much, Rizpah! Wag kang magmadaling lumaki ha, kahit 2018 na. 2018, surprise us (in a nice way, please) #AlzulSisters #RitzPahTandem #gratefulThanks be to God!”

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Mabuti na lang at regular na napapanood si Ritz sa Banana Sundate at hindi siya nawala sa limelight dahil kung hindi ay baka mapagkamalang anak niya ang baby sister niya.