Three-game losing skid, pinutol ng Cavs vs Blazers; Greg, may marka sa NBA.

CLEVELAND (AP) — May matibay nang katuwang si LeBron James.

Ipinamalas ni Isaiah Thomas ang galing na nagpapatibay sa kanyang pagiging All-Star nang magsalansan ng 17 puntos sa kanyang debut bilang Cavalier para sandigan ang Cleveland sa 127-110 panalo kontra Portland Trail Blazers nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Cleveland Cavaliers' Isaiah Thomas, center, drives to the basket against Portland Trail Blazers' Pat Connaughton, left, and CJ McCollum in the second half of an NBA basketball game, Tuesday, Jan. 2, 2018, in Cleveland. The Cavaliers won 127-110. (AP Photo/Tony Dejak)
Cleveland Cavaliers' Isaiah Thomas, center, drives to the basket against Portland Trail Blazers' Pat Connaughton, left, and CJ McCollum in the second half of an NBA basketball game, Tuesday, Jan. 2, 2018, in Cleveland. The Cavaliers won 127-110. (AP Photo/Tony Dejak)

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Sa kanyang unang laro mula nang ma-sideline sa injury may pitong buwan ang nakalipas, limitado sa 19 minuto ang laro ni Thomas, ngunit sapat na ang presensiya niya para putulin ng Cavaliers ang three-game losing streak.

Kumamada si Thomas ng tatlong 3-pointers at tatlong assists bago ipinahinga may 8:10 ang nalalabi sa laro at abante ang Cavs ng 12 puntos.

Hataw si LeBron James sa naiskor na 24 puntos, habang kumana sina Kevin Love at Jae Crowder ng 19 at 15 puntos para makabalik sa panalo matapos magkakasunod na kabiguan sa Golden State, Sacramento at Utah.

Nanguna si Damian Lillard sa naiskor na 25 puntos sa pagbabalik-askiyon sa Blazers matapos ang hamstring injury. Nag-ambag si Jusuf Nurkic ng 23 puntos at tumipa si CJ McCollum ng 19 puntos.

Hindi makalayo ang Cavs sa dikitang laban ng Blazers hanggag makipag-tambalan si Thomas kay Dwyane Wade sa fourth quarter.

Na-sideline si Thomas simula May 19 bunsod nang pagkapunit ng labrum sa kanyang balakang sa pagtatapos ng 2017 postseason sa Boston. Ipinamigay siya sa Cleveland nitong Summer kapalit ni Kyrie Irving. Sa kasalukuyan, nangunguna ang Celtics sa eastern Conference na may 30-9 karta.

SPURS 100, KNICKS 91

Sa New York, ratsada si LaMarcus Aldridge sa naiskor na 29 puntos, habang tumipa si Kawhi Leonard ng season-high 25 puntos sa panalo ng San Antonio Spurs sa Knicks.

Nakopo ni coach Greg Popich ang solong kapit sa No.5 sa NBA coaching win list tangan ang 1,176 panalo – lahat sa koponan ng Spurs – para makahiwalay sa kaibiganna si George Karl.

Nagwagi ang Spurs sa Knicks sa ikalawang pagkakataon sa loob ng anim na araw at ikaapat sa nakalipas nalimang laro.

Ginapi ng Spurs ang Knicks, 119-107, nitong Disyembre 28.

Nanguna si Michael Beasley sa New York na may 18 puntos, habang nalimitahan si Kristaps Porzingis sa 5 for 19 para sa 13 puntos.

SUNS 104, HAWKS 103

Sa Phoenix, matikas na bumalikwas ang Suns sa huling dalawang minuto para mahabol ang 10 puntos na abante at agawin ang panalo sa Atlanta Hawks.

Naisalpak ni Devin Booker ang tatlong free throws para maagaw ang bentahe may 12.3 segundo ang nalalabi bago nabutata ni Marquese Chris sang opensa ni Taurean Prince para selyuhan ang makapigil-hiningang panalo.

Kumana si Booker ng walo sa kabuuang 34 puntos sa huling 37 segundo para sandigan ang 15-4 run ng Suns sa krusyal na sandali. Nag-ambag si T.J. Warren ng 31 puntos, habang tumipa si Chriss ng 17 puntos, 11 rebounds at dalawang blocks sa Phoenix.

Nanguna sa Hawks si Ersan Ilyasova sa nahugot na 21 puntos, habang kumubra sina Kent Bazemore at Dennis Schroder ng tig-20 puntos.