Ni NITZ MIRALLES

Zia, Dingdong at Marian
Zia, Dingdong at Marian
SA huli naming pagbisita sa Instagram (IG) account ni Dingdong Dantes, ipinost niya ang picture na kuha kay Marian Rivera noong araw ng kanilang kasal, na may 116,497 views at likes na ang post.

Simpleng caption lang ang inilagay ni Dingdong na, “I can do this over and over again, but in a simpler setting. Happy anniversary, my wife. @marianrivera, pero napakaraming kinilig.

Dala pa rin ng kilig ng fans sa napanood na anniversary video ni Dingdong kay Marian sa third anniversary nila as a couple last December 30, 2017. Safe sigurong sabihin na lahat ng 1M na nakapanood ng video ay kinilig.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kasi naman, sa introduction pa lang ni Dingdong sa video na, “Marian Gracia Dantes, I may not have any material gift to offer this year, but I just want to give you this. Watch. Listen. Dive in.”

Pinakinggan namin ang video na sinimulan ni Dingdong sa, “These have been the best three years of my life.” Sinundan ng, “Lahat ng mga gusto kong gawin sa buhay natupad at natutupad ko dahil sa ‘yo.”

Tiyak may naluha sa parteng sinabi ni Dingdong na, “You inspired me to be the best Sixto that I can be. You are the perfect element that I need to lead this family...” May binanggit pa si Dingdong na, “I cannot promise you the whole world but I will give you my love, loyalty, passion, service, my honor.”

Tinapos ni Dingdong ang video message sa, “I am excited to what is in store for us” at “Lumundag pa tayo baby!”

“Little Princess” ang tawag ni Dingdong kay Zia at may binanggit na “Little Danteses” at ibig sabihin, may mga kasunod pa ang bagets.

Sa IG ni Marian, ipinost niya ang part ng video message na sinabi ni Dingdong na, “Thank you dahil sa lahat ng mga gusto kong gawin...” at sinundan ng pasasalamat sa asawa.

“Maraming salamat mahal, dalangin kong gabayan pa tayo lalo ng Mahal na Ama sa langit. At sa mga taong walang sawang nagmamahal at nagdadasal para sa atin, salamat ng marami sa inyo. May “Forever... maniwala ka!”

Samantala, magre-resume ng taping ng Super Ma’am si Marian ngayong nagdaan na ang Bagong Taon. Tatlo ang bagong guests sa action/fantasy series na kinabibilangan nina Boobay, Patricia Tumulak. Lumabas na ang tatlong bagong karakter sa show na lalong nagpapa-excite sa story.