HANDA na ang lahat sa pinananabikang 93rd National Collegiate Athletic Assciation 2018 women’s volleyball tournament sa Huwebes sa The Arena sa San Juan City.

Halos buo pa rin ang lineup ng Arellano University na magtatangkang makapag-back-to-back. Mapapalaban sila agad sa Mapua University sa torneo na lalahukan ng 10 koponan.

Muling kakapitan ng AU sina Regine Anne Arocha, Necole Ebuen, Andrea Marzan at Jovielyn Grace Prado para masilo ang unang panalo kontra Lady Cardinals.

Sasabak naman sa alas-12:00 ng tanghali ang last year’s runner-up San Sebastian College kontra Emilio Aguinaldo College.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Dehado ang L’Chiefs nang harapin nila sa best-of-thre finals ang Lady Stags na ibinanda si three-time NCAA Most Valuable Player Grethcel Soltones.

Pero winalis ng Legarda-based volleybelles ang SSC ng Quiapo sa championship round.

Halos maubos ang pambato ng Lady Stags na sasabak ngayon ng mag rookies. “Kapos na kami sa beterano. I just have to make the most out of the remaining players and hope for the best,”pahayag ni SSC coach Roger Gorayeb.