Namatay ang isang balikbayan matapos makuryente sa pagkukumpuni ng sirang bumbilya sa loob ng Jehovah’s Witnesses Hall Barangay Guerrero, Dingras sa Ilocos Norte.

Kinilala ang biktima na si Emmanuel Lampitoc, 62, may asawa, at nagtatrabaho bilang electrician.

Napag-alaman na bukod kay Lampitoc, dalawa pang residente ang nagtulung-tulong upang kumpunihin ang kuryente sa nasabing hall.

Hindi umano nakatiis ang biktima at pinasok ang kisame ng hall upang ayusin ang mga wiring ng kuryente at tuluyang nangisay. - Liezle Basa Iñigo

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3