CUYAPO, Nueva Ecija – Nalunod ang isang pitong taong gulang na lalaki sa isang fishpond sa Barangay Calancuasan Sur, Cuyapo, Nueva Ecija, nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ng Cuyapo Police ang biktimang si Akhiro France Cosme y Dela Cruz, residente sa nasabing lugar.

Dakong 8:00 ng umaga umano nang magtungo sa fishpond ang bata kasama ang kapatid at mga pinsan para manghuli ng isda, hanggang sa magpasyang maglangoy nang mainip sa paghihintay sa kanyang lolo na nag-aayos pa ng lambat. - Light A. Nolasco

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog