Ni Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac City - Natangayan ng cell phone at cash money ang isang guro sa Maliwalo Elementary School, Tarlac City, nitong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Angela Magat, 42, may asawa, ng Zone 4, Barangay Maliwalo, Tarlac City.

Natangay mula sa guro ang isang Asus smartphone na nagkakahalaga ng mahigit P5,000, isang Landbank ATM card, at P10,000 cash.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Dakong 8:00 ng umaga umano nang sandaling lumabas ang guro sa classroom kaya ikinandado ito, pero pagbalik ay sira na umano ang padlock ng pinto at nawawala na ang kanyang gamit.