Ni Bella Gamotea

inihinalang pinatuyong dahon ng marijuana ang nakumpiska sa isang binatilyo sa tapat ng Bahay Pag-asa sa Parañaque City, nitong bisperas ng Pasko.

Sumasailalim sa masusing imbestigasyon ang suspek na si Mark Dennis, 17, ng Barangay Baclaran, Parañaque City.

Sa ulat na ipinarating sa Southern Police District (SPD), nadakip ang suspek sa Bahay Pag-asa, Fisherman’s Wharf, Bgy. La Huerta, Parañaque City, bandang 3:30 ng hapon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagbabantay sina Randy Moralios, ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO); at Edgar Allan Vasquez, ng Civil Security Unit ng lungsod, sa visitation area sa entrance ng Bahay Pag-asa nang mapansin nila ang suspek na kahina-hinala ang kilos.

Nang kapkapan, nasamsam sa suspek ang anim na selyadong pakete ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

Dinala ang binatilyo at ang nakumpiskang ebidensiya sa Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City.

Patuloy ang follow-up operation sa insidente.