Tatanggap ng mas mataas na sahod ang may 381,381 sundalo at pulis matapos aprubahan ng Kamara ang House Joint Resolution No. 18, na nagsususog sa umiiral na base pay nila.

Kasama na ang pondo para sa kanila sa pinagtibay na P3.767-trilyon national budget para sa 2018.

Sinabi ni Davao City Rep. Karlo Nograles, chairman ng House Committee on Appropriations, na partikular na tinaasan ang buwanang base pay ng isang Police Officer 1 (PO1) sa Philippine National Police (PNP) o ng isang Private sa Armed Forces of the Philippines (AFP), at katumbas na ranggo sa Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, at iba pang katulad, mula sa P14,834 at magiging P29,668, o 100% pagtaas sa suweldo na epektibo sa Enero 1, 2018. - Bert de Guzman

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser