Isa pang bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) bago matapos ang 2017.
Ito ang naging pagtaya kahapon ni Lenny Ruiz, weather specialist ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Aniya, mayroon pang anim na araw bago ang 2018 kaya maaaring makaranas pa ng isang bagyo ang bansa.
Gayunman, posible rin umanong wala nang pumasok na bagyo sa bansa, dahil sa kasalukuyan ay wala pa silang namamatang namumuong sama ng panahon sa loob at labas ng bansa. - Rommel P. Tabbad