Ni Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac City – Nasawi ang isang motorcycle rider at kanyang angkas makaraan nilang makabanggaan ang isang kotse sa highway ng Barangay Aranguren sa Capas, Tarlac.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Manny Rodriguez, 34, may asawa, driver ng Rusi motorcycle (IU-1124), ng Bgy. Cristo Rey, Capas; at Crisonia Mirasol, 39, ng Bgy. San Roque-Dapdap, Bamban, Tarlac.

Nakabanggaan ng motorsiklo ang Toyota Vios (YU-4654) na minamaneho ni PO2 Michael Cajuguiran Dimatera, 35, may asawa, ng Bgy. Jefmin, Concepcion, Tarlac.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nabatid sa imbestigasyon ni PO1 Armando Vasrias, Jr. na pasilangan ang motorsiklo nang aksidente nitong makabanggaan ang kotse.