Nakapiling ni dating senador Ramon "Bong" Revilla, Jr. ang kanyang pamilya ngayong Pasko.

Kahapon ay pansamantalang pinalabas si Revilla sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City para makadalaw sa kanilang bahay sa Bacoor, Cavite. Sinamahan siya ng police escorts.

Inaprubahan ng Sandiganbayan ang hiling ni Revilla na makauwi sa kanilang bahay mula 11:00 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi kahapon. Sa kanyang mosyon, binanggit ni Revilla na nais niyang makapiling ang asawa at mga anak, sa Disyembre 24, 25, at 31 at sa Enero 1, 2018.

Nahaharap si Revilla sa kasong plunder at graft kaugnay ng ‘pork’ fund scam. - Rommel P. Tabbad

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony