TIYAK ang pagsabak sa world title bout si WBO No. 1 minimumweight Robert Paradero matapos niyang talunin kamakalawa ng gabi si Ian Lugatan via 2nd round knockout sa Enan Chiong Activity Center sa City of Naga, Cebu.

“WBO No. 1 ranked Robert ‘Kapitan Inggo’ Paradero knocked out former foe Ian Lugatan in the second round with a body shot,” ayon sa ulat ng Philboxing.com. “Paradero showcased his power by that body shot sending Lugatan to the seat of his pants and unable to beat referee Teddy Alivio’s count.”

Napaganda ni Paradero ang kanyang rekord sa perpektong 16 panalo na may 11 knockouts at posibleng harapin sa eliminasyon si WBO No. 3 Janiel Rivera ng Puerto Rico para maging mandatory challenger ni WBO minimumweight champion Ryura Yamanaka ng Japan.

Sa iba pang laban, tinalo ni WBO No. 2 minimumweight Vic Saludar si WBC No. 15 Lito Dante via 10-round unanimous decision kaya tiyak na ring muli siyang mapapasabak sa world title bout.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagwagi naman si world rated flyweight Froilan Saludar laban sa beteranong Rogen Flores via TKO eksaktong 1:59 sa 1st round kaya siguradong aangat siya sa world rankings. - Gilbert Espeña