KABILANG si Filipino taekwondo jin Pauline Lopez sa listahan ng 76 Young Change-Makers (YCM) for the Youth Olympic Games (YOG) na gaganapin sa susuniod na taon sa Buenos Aires, Argentina.

Nasungkit ng 21-anyos na si Lopez ang gintong medalya sa 2014 Asian Youth Games, 2015 Singapore Southeast Asian (SEA) Games at 2017 Korean Open.

Ipinahayag ng International Olympic Committee (IOC) nitong Biyernes ang listahan ng 76 YCMs na pawang nominado ng kani-kanilang National Olympic Committees.

Kasama rin sa listahan ang mga pamosong atleta tulad nina 2016 Rio Olympics pentathlon gold medalist Chloe Esposito ng Australia, rifle shooting bronze medalist Istvan Pening Hungary, at rugby silver medalist Sarah Goss ng New Zealand.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kabilang din sina 2014 Nanjing YOG gold medalists Yuliia Levchenko ng Ukraine (high jump) at Sofia Goicoechea Ruiz ng Argentina (golf), silver medalist Aleksandra Samardzic of Bosnia Herzegovina (judo), at 2010 Singapore YOG bronze medalist Yara Hanssen ng Zimbabwe (equestrian).

Bukod sa pagsusulong ng Olympism, ng YOG ay tumutulong sa mga atleta para mapaangat angkanilang katayuan sa internationbals scene.

Ang YOG ay multi-sport tournament para sa atleta na may edad 14-18.