Nina ROMMEL P. TABBAD at MIKE U. CRISMUNDO

Nag-landfall kahapon sa Davao Oriental ang bagyong ‘Vinta’, at isinailalim sa Signal No. 2 ang 11 lugar, habang 17 pang lalawigan ang apektado ng bagyo.

Heavy rains brought by Tropical Storm Vinta inundated the town proper of Compostela, Compostela Valley Province on Friday. (Keith Bacongco)
Heavy rains brought by Tropical Storm Vinta inundated the town proper of Compostela, Compostela Valley Province on Friday. (Keith Bacongco)

Dakong 1:45 ng madaling araw kahapon nang hagupitin ng bagyo ang Cateel sa Davao Oriental, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Itinaas kahapon ang Signal No. 2 sa Agusan del Sur, Davao del Norte, North Cotabato, Misamis Oriental, Bukidnon, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Misamis Occidental, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay.

Isinailalim naman kahapon sa Signal No. 1 ang Southern Leyte, Bohol, Southern Cebu, Negros Oriental, Southern Negros Occidental, Siquijor, Dinagat Island, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Camiguin, Compostela Valley, Davao Oriental, Davao del Sur, Maguindanao, Sultan Kudarat, at Basilan.

Ayon sa PAGASA, bahagyang humina ang bagyo matapos tawirin ang hilagang bahagi ng Davao region.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 80 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna, at bugsong 130 kph.

Dahan-dahan din ang pagtahak ng bagyo pakanluran, sa bilis na 20 kph.

Sa taya ng PAGASA, posibleng lumabas ng bansa ang Vinta sa Pasko ng umaga, Disyembre 25.

Sa Caraga region, aabot sa 5,072 pamilya o 21,633 katao ang labis na naapektuhan sa pananalasa ng Vinta sa hilaga-silangang Mindanao o Caraga region.

Ayon sa mga opisyal ng emergency response at quick response teams command center ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakabase sa Butuan City at nagpapatupad ng 24-oras na serbisyo sa mga apektadong lokal na pamahalaan, patuloy na nadadagdagan ang mga bakwit sa 98 na evacuation center na binuksan sa iba’t ibang dako ng rehiyon.

“The opened evacuation centers still continue to accept more evacuees based in our monitoring and reports from various social welfare and development offices (SWDOs),” sinabi kahapon ni DSWD-13 Director Mita Chuchi G. Lim sa Balita, at tiniyak na inaayudahan na ang mga bakwit.

“The DSWD 13 Regional Quick Response Teams (RQRTs) are currently closely coordinating with the local QRTs of different LGUs for more requests and updates,” dagdag pa ni Lim.