TINUGUNAN nina Philippine Volleyball Federation (PVF) president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada at Philippine Super Liga (PSL) president Ramon ‘Tats’ Suzara ang matagal nang maasam ng volleyball community na pagkakaisa para sa ikauunlad ng sports.

volleyball copy

Tinuldukan ng dalawang volleyball officials ang matagal nang walang ugnayan sa isa’t isa sa ginanap na pagpupulong kung saan nagkakaisa silang nagpahayag na kailangan ang mga programa na makatutulong sa pag-unlad ng sports sa bansa.

Sa kabila ng pagsasawalang bahala ng Philippine Olympic Committee (POC), patuloy ang ginagawang programa sa grassroots level ng PVF, kabilang ang pagsasagawa ng referee’s seminar at pagbibigay ng mga sports equipment sa mga pampublikong eskwelahan, habang ang PSL ni Suzara ang isa sa naglulunsad ng semi-pro league sa bansa.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“To all our volleyball athletes, coaches, officials, and supporters, we would like to announce that Ramon “Tats” Suzara, Tonyboy Liao and Edgardo “Boy” Cantada have met and agreed to schedule a sitdown to thresh out all the problems concerning Philippine volleyball. In the true spirit of sportsmanship and service, it is our common bid to unite Philippine volleyball for the benefit of all. Cheers to a better future to the sport we all love! May God bless us all!” nagkakaisang mensahe sa inilabas ng magkabilang kampo.

Kasama ring dumalo sa pagpupulong sina Ateneo volleyball team manager Tonyboy Liao, PVF secretary-general Otie Camangian at PVF deputy sec-gen Gerard Cantada.