Ni CHITO CHAVEZ

Humingi ng kapatawaran sa Land Transportation Office (LTO) ang lalaking nakuhanan ng camera na nag-car drifting sa Tomas Morato Avenue sa Quezon City.

Bilang pagsunod sa show cause order, nagtungo si Jovitchito Escoto, 27, sa tanggapan ni Law Enforcement Service Director Francis Ray Almora kung saan siya humingi ng kapatawaran nitong Huwebes.

Ipinagbawal sa media ang hearing ngunit sinabi ni Almora na nagsumite si Escoto, kasama ang kanyang counsel na si Niczon Yao, ng kanyang position paper kung bakit hindi dapat suspendihin ang kanyang driver's license.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

"He accepts what he had done and he is also engaged in the sports of car drifting, only that at that time he had some misjudgments on his part on doing the drifting activity in the area where it's not supposed to be done," sabi ni Almora.

"He's just appealing to the office to give him some lenient consideration on that infraction that he committed," dagdag niya.

FAMILY PROBLEMS

Sa kanyang two-page position paper na isinumite sa LTO, binanggit ni Escoto ang kanyang "major family problems" at "lack of financial means" bilang paliwanag sa kanyang ginawa, idinagdag na ang car drifting ay isang "outlet for his frustrations."

"'Yung napanood niyo po sa video dala lang po siguro ng problema ko sa pamilya kasi totoo po talaga na may pinagdadaanan ako sa problema sa pamilya ko," sabi ni Escoto.

"Ayun po nung time ngang po 'yun parang sumabog na po. Sobrang hinanakit ko nadaan ko na lang siguro po sa manebela," dugtong niya.

CYBERBULLYING

Sa kanyang affidavit, sinabi ni Escoto na, "[I] thought there’s adequate public road space where he can practice a few drifting moves while there were only a few passing cars."

"As for the instant charge, respondent can only learn from the benefit of hindsight and the folly of his clouded judgment thinking he did nothing wrong at the time, and thus, humbly begs for maximum leniency as far as possible," mababasa sa position paper ni Escoto.

"Hindi ko na po uulitin," aniya. "First and last, hindi ko na po na gagawin. Sorry po, humihingi po ako ng paumanhin sa publiko na sana huwag masyadong judgmental," pakiusap ni Escoto.