Ni Bella Gamotea

Idiniretso sa rehas ang tatlong lalaki makaraang mahuli sa aktong nagsusugal ng dice sa Makati City, nitong Miyerkules ng hapon.

Kasalukuyang nakakulong sa Makati City Police sina Ruen Ranola y Talusi, 33, maintenance staff, ng 76G Bunyi Street, Barangay Buting, Pasig City; Jonathan Caballero y Panao, 28, vendor, ng LT Tsamsik Kanluran, Pateros; at Ramon Padon y Sitjar, 26, mason, ng 1-C Lorenzo St., Santo Rosario Kanluran, Pateros, Metro Manila.

Sa ulat na ipinarating sa Southern Police District (SPD), hinuli ng mga nagpapatrulyang pulis ang mga suspek sa 13th Avenue, Bgy. East Rembo, Makati City, bandang 1:30 ng hapon.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Nakumpiska sa tatlo ang dalawang piraso ng dice at P110 pusta.

Sinampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Gambling Law.