Dahil sa holiday duty, patay ang isang security guard nang barilin ng kanyang kabaro sa Quezon City, iniulat kahapon.

Sa report ni Police Supt. Rossel Cejas, hepe ng Batasan Police-Station 6, kinilala ang biktima na si Jonas Sabelina, 40, residente ng San Isidro Cainta, Rizal.

Tinutugis naman ang suspek na si Manajon Cantilla, 30, residente ng No. 102 Masaya Street, Area C, Talanay, Barangay Batasan, Quezon City.

Ayon kay SPO1 Alejandro Camacho, ng Tactical Operation Center ng Batasan Police, hindi magkaintindihan ang mga guwardiya, kabilang ang biktima at ang suspek, kung sinu-sino ang magdu-duty sa kanila, bandang 9:30 ng umaga.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Natutulog umano ang isa pang guwardiya na si Lenell Mijos at ginising siya ni Jonas para mag-duty sa pinaglilingkuran nilang kumpanya sa Quezon City.

Hindi umano sumunod si Lenell at nainis si Jonas at sinuntok ang una na agad naman nagsumbong kay Manajon.

Sa puntong ito, sinugod ni Manajon si Jonas at nagkasagutan bago binaril ng una ang huli na ikinamatay nito. - Jun Fabon