NANGIBABAW ang mga batang fighters mula sa General Santos City, Sultan Kudarat at Barangay Aglayan para makausad sa Mindanao Quarter Finals ng Philippine Sports Commission (PSC)-Pacquiao Amateur Boxing Cup sa Robinsons Place sa General Santos City.

Pinabagsak ni Sultan Kudarat’s Remark Brillo si Zaldy Recopuerto ng Malungon, Sarangani Province sa Youth Boys bantamweight (56 kg.) division, habang ang kanyang nakababatang kapatid na si Jason Brillo aynagwagi kay Malungon’s Alfred Gomez sa Junior Boys light flyweight (48 kg.) division.

Matikas din ang pambato ng General Santos City na sina Ariel Almamento at Criz Sander Laurente na nagwagi kina Ferdinand Melegrito ng Barangay Labangal-Gensan sa Youth Boys light flyweight (45-49 kg.) at Nichole Jhon Ligas ng Digos sa Youth Boys flyweight (52 kg.), ayon sa pagkakasunod.

Pinangunahan nina PSC Commissioner Celia Kiram, PSC Executive director lawyer Sannah Frivaldo at Philippine Sports Institute (PSI) national director Mark Edward Velasco ang opening ceremony ng torneo na bahagi ng grassroots sports program ng pamahalaan.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?