Ashley Ortega
Ashley Ortega

MARAMI ang natutuwa sa post ni Ashley Ortega sa Instagram lately sa pakikipagbalikan niya sa kanyang first love — ang skating.

Sa video na in-upload ng Super Ma'am cast member, aminado siyang na-miss niya ito kaya naman super-enjoy ang dalaga sa mga galaw niya.

Samantala, magamit kaya niya ang skating skills niya bilang isa sa Super Teens ngayong nagalit na sa kanila si Super Ma’am (Marian Rivera)? Para lang may mapatunayan sila kay Super Ma’am, naging excited siya at ang kanyang mga kasamahan sa paghahanap ng ikatlong sakras na pati ang negosyo ng ordinaryong tao ay naapektuhan. Pero kahit natalo nila ang mga kalaban, hindi pa rin nila nahanap ang sakras kaya si Super Ma’am na mismo ang nagsuspinde sa Super Teens.

Pelikula

Sine Singkwenta: ₱50 na movie ticket, handog ng FDCP at MMFF

Makuha pa kaya ng Super Teens ang tiwala ni Super Ma’am? Huwag a-absent sa klase ni Super Ma’am gabi-gabi sa GMA Telebabad.