Inirekomenda kahapon ng Senate Blue Ribbon committee ni Sen. Richard J. Gordon ang paghahain ng kasong plunder laban sa mga sangkot sa P50-milyon extortion scandal sa Bureau of Immigration (BI) na may kaugnayan sa pagpapalaya sa 1,316 na illegal Chinese workers ng isang online casino sa Angeles City sa Pampanga.

Nakasaad sa 31-pahinang committee report ang rekomendasyong kasuhan ng plunder, direct bribery, at graft sina dating BI Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles.

Inirekomenda rin ng komite ang paghahain ng kasong direct bribery laban kay dating BI intelligence chief Charles Calima sa umano’y pagkuha ng P18 milyon mula kina Argosino at Robles.

Corruption of public officials naman ang ipinasasampang kaso laban sa umano’y bagman na si Wally Sombrero. - Mario B. Casayuran

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon