Anim na katao, kabilang ang isang high value target (HVT), ang inaresto kahapon sa anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Philippine National Police (PNP) sa isa umanong drug den sa Purok 2 Barangay Herrero Perez, Dagupan City, Pangasinan.

Apat na construction workers at dalawang sibilyan ang nahuli sa pot session at isa sa mga ito ay nagpakilala pang tauhan ng POSO Calasiao.

Kinilala ang mga suspek na sina Alvin Cercado; Jun Fernandez; Mark Calulot, pawang construction worker; Raymund Rimundo, POSO enforcer; Nestea Espinoza, house boy; at Alexander Lopez, na sinasabing HVT at nagmamantine ng drug den.

Naging sentro ng surveillance ang construction site ng malaking mall nitong nakalipas na dalawang linggo at nang magpositibo ay saka ikinasa ang anti-drug operation.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aabot sa 25 gramo ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P200,000, ang nakumpiska kabilang ang drug paraphernalia.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek. - Liezle Basa Iñigo