GEN. NATIVIDAD, Nueva Ecija – Hinoldap ng mga hindi nakilalang sakay sa motorsiklo ang P290,000 na ipapasuweldo sana sa mga construction worker sa Gen. Natividad, Nueva Ecija, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga biktima ng robbery/hold-up na sina Fernando Medrano y Soliman, 25, construction engineer; at Faustino Tolentino y Manuel, 26, driver/timekeeper, kapwa empleyado ng UPLIFT Construction & Augmentation, Inc., na may proyekto sa Barangay Bravo sa Gen. Natividad.

Dakong 7:00 ng gabi umano at pabalik na ang mga biktima sa opisina, sakay sa motorsiklo, matapos mag-withdraw sa bangko nang napatigil dahil sa mga nakaharang na sanga sa kalsada.

Bumaba sila at noon naman sumulpot ang mga armadong suspek at nagdeklara ng holdap bago iginapos ang mga biktima at tumakas.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Natangay ng mga suspek ang nasabing payroll money, dalawang cell phone, ATM card, ID, PRC card, at ang motorsiklong sinakyan ng mga ito. - Light A. Nolasco