ILOILO CITY – Matapos ang 14 na taong pagtatago, nasakote na ng nagsanib-puwersang Regional Intelligence Division ng Police Regional Office (PRO)-6, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Marikina City Police, at Iloilo Police Provincial Office (IPPO) ang most wanted person sa Western Visayas, sa Marikina City nitong Biyernes.
Inilahad ni Senior Supt. Marlon Tayaba, IPPO director, na si Antonio “Anton” Aquino ay mayroong P300,000 pabuya sa pagkakaaresto nito.
Pinagsasaksak umano ni Tayaba hanggang sa mamatay si Bonifacio Merindad, government employee, sa Santa Barbara, Iloilo noong 2002.
Nakulong din si Aquino noong 1989 sa kasong homicide sa Bacolod City, ngunit nabigyan ng parole, at sangkot din sa mga kaso ng murder at pagnanakaw sa Iloilo at Guimaras.
Nang tumakas si papuntang Manila, nag-apply siya sa iba’t ibang trabaho gamit ang pekeng National Bureau of Investigation (NBI) clearance. - Tara Yap