SARIAYA, Quezon – Patay ang isang checker makaraang barilin ng security guard ng kumpanyang kanilang pinagtatrabahuhan nang magkapikunan sila habang nag-iinuman sa Sitio Crossing, Barangay Bukal, sa Sariaya, Quezon, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Rodel D. Regalado, 24, checker sa Laborte Crushing Plant at residente ng Bgy. Villa Hermoza, Lopez, habang ang suspek ay si Rey M. Novorra, security guard ng planta, at taga Bgy. Pagdadamayan, San Narciso.

Dakong 8:35 ng gabi at nag-iinuman ang dalawa sa planta nang magtalo na nauwi sa pagbaril ni Novorra kay Regalado, gamit ang kanyang service firearm.

Tinamaan ang biktima sa leeg at kaagad na namatay, habang nakatakas naman ang suspek dala ang baril. - Danny J. Estacio

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog