Gabbi at Ruru
Gabbi at Ruru
TIYAK na labis ang pasasalamat nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid na nakabalik na sila sa Manila mula sa Coron, Palawan bago pa man nag-landfall doon kahapon ang bagyong Urduja na kumitil ng maraming buhay sa mga lugar na dinaanan nito, partikular sa Biliran Island sa Panay.

Nasa Coron, Palawan sina Gabbi at Ruru para sa photo shoot ng clothing line na ini-endorse nila. Isinabay na nila ang bakasyon at bonding bago sumapit ang Pasko. Good friends at very close sa isa’t isa sina Ruru at Gabbi, since more than two years na silang magkasama sa projects na ginawa nila sa GMA as a love team. Nag-post sila ng ilang shots doon sa kanilang Instagram account.

Caption ni Ruru: “Making some new memories with this girl.” Paradise raw ang lugar na ginamit nila sa shoot.

Ayon naman kay Gabbi: “workcation” “appreciate” “hello again, happy place.” Nakapunta na kasi roon si Gabbi bago pa ang photo shoot nila ni Ruru.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Ngayong nakabalik na sa Manila, back to work na sina Gabbi at Ruru sa taping ng bagong teleserye nilang Sherlock Jr. kasama sina Janine Gutierrez at si Ms. Ai Ai delas Alas-Sibayan. Isa ito sa Omnibus Plug ng GMA na napanood noong Sunday sa Paskong Kapuso: GMA Christmas Special, kasama ang apat pang bagong teleserye na mapapanood simula sa first quarter of 2018. Kaya dito lang sila magpapalipas ng Christmas at New Year sa Pilipinas dahil sabak din agad sila sa taping pagpasok ng Bagong Taon.