Kinasuhan sa Sandiganbayan ng paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (Republic Act No. 6713) si dating Bubong, Lanao del Sur mayor Usoph Munder dahil sa hindi paghain ng Statement of Asset, Liabilities and Networth (SALN).

Natuklasan ng Office of the Ombudsman na hindi naghain ng SALN si Munder noong 2008.

Iginiit ni Munder na nakapaghain siya ng SALN sa nabanggit na taon ngunit nasira ang lahat ng papeles sa kanilang municipal hall dahil sa bagyong 'Sendong'. - Rommel P. Tabbad

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter