Ni ERNEST HERNANDEZ

Phoenix head coach Louie Alas (right) at assistant coach Topex Robinson  (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Phoenix head coach Louie Alas (right) at assistant coach Topex Robinson (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
MAY bagong coach ang Phoenix. At may bagong pag-asa na natatanaw ang Fuel Masters.

Ngunit, laban sa star-studded San Miguel Beer (wala pa dyan si No.1 pick Christian Standhardinger) kabiguan ang natamo ng Phoenix at ni coach Louie Alas sa 43rd season opening nitong Linggo sa Smart-Araneta Coliseum.

“Sabi ko medyo masama ‘yung simula ng laban ninyo. Yung top-seeded team eh!,” pahayag ni Alas.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Ine-expect natin na mas kondisyon tayo pero since veteran si Coach Leo at mga player niya, alam na alam nila harapin yung bagong sistema. We will get better, sabi ko, you just have to buy-in to the system,” aniya.

Sa kabila ng kabiguan, positibo ang pananaw ni Alas para sa Fuel Masters. At buo ang tiwala niya na makakasabay ang koponan sa mga susunod na laban.

“Medyo nag-bu-buy-in naman sila. ‘Yun ang nakikita ko,” aniya.

At tulad nang dapat asahan, walang dapat masisi sa kabiguan kundi si Alas – nagbabalik na head coach matapos ang mahabang panahong panunugkulan bilang assistant.

May tagpong nagawang maibaba ng Phoenix ang double digit na bentahe ng Beermen sa limang puntos. Ngunit, sadyang matinik ang kanilang karibal, sa pangunguna ni Marcio Lassiter na tumipa ng three-pointer para mulibng pasiklabin ang opensa ng SMB sa final period.

“Decision-making. Kung hindi ako dumobol hindi makakalibre si Marcio. That’s the game,” sambit ni Alas. “That is what I said to the team kanina. Next time, I will be sharper.”

“Kasi kanina when we were down by five, nagdadalawang isip ako at hindi pa ako sharp. Sabi ko, ‘wag na kaya ako mag-double. Kasi kapag nag-double kami, alam na alam niya eh at hinahantay niya kami. Kaya nagdalawang isip ako, galing kami sa magandang depensa kaya kami nakabalik,” aniya.

Para kay Alas, higit na mahalaga sa kasalukuyan ay madagdagan nang lakas ng loob ang Fuel Masters at maging kumpiyansa sa mag susunod na laban.

“Maganda naitulong sa akin ng pocket tournament,” pahayag ni Alas. “Sabi ko nga, kung hindi kami nag-pocket tournament baka mga 30 lamang niyan.”

Kabuuang 10 araw ang pahinga ng Fuel Masters bago ang pagbabalik-aksiyon sa Disyembre 27 kontra Kia Picanto sa nares Center in Antipolo City.

“Yun Kia, sinabi ko sa kanila, lahat ng kalaban niyan sa pre-season tinalo niyan. Hindi pwede pupunta nalang sa game at mananalo tayo. We have to prepare at kung gusto ninyo manalo sa San Miguel, ganoon din dito,” pahayag ni Alas.