Arestado ang dalawang suspek sa pananaksak sa isang binata, sa follow-up operation ng Parañaque City Police, iniulat kahapon ng Southern Police District (SPD).

Nakadetine na sa himpilan ng pulisya sina Manuel Aaron Esguerra y Aguilar, 20; at Ryan Ariston y Ganzaga, 18, construction worker, kapwa nakatira sa Landscape Annex, Barangay Marcelo Green, Parañaque City.

Sa ulat na ipinarating sa SPD, nangyari ang pananaksak kay Jomarie De Chavez, 18, ng Hontiveros Compound, Bgy. San Antonio sa harapan ng San Antonio National High School dakong 1:30 ng umaga nitong Linggo.

Nabatid na nagtalo ang biktima at dalawang suspek matapos na hindi magkaintindihan.

Eleksyon

Siwalat ni Imee: 'Ang gobyerno ngayon ay hindi Marcos. Ang gobyerno ngayon Romualdez at Araneta'

Sa gitna ng pagtatalo, pinagsasaksak si De Chavez sa iba’t ibang bahagi ng katawan, na kritikal ngayon sa pagamutan. - Bella Gamotea