TARLAC CITY – Arestado ang isang 23-anyos na lalaki sa ilang beses na panghahalay at pananakit sa isang 16-anyos na babae sa Samberga Subdivision, Barangay Sapang Maragul, Tarlac City.

Kinilala ang suspek na si Ronald Bueno, residente sa nasabing lugar, habang ang biktima ay isang 16-anyos na babaeng estudyante ng Pada Pada National High School, at taga-Gerona.

Nabatid na Oktubre nang naging magkasintahan ang suspek at biktima at nagtalik noong Oktubre 21, Nobyembre 2 at 23, hanggang sa humantong sa pananakit umano ni Bueno sa dalagita.- Leandro Alborote

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog