Ni Charina Clarisse L. Echaluce
Hinikayat ng health group ang publiko na iwasan ang pagyoyosi sa mga dadaluhang Christmas party.
Inihayag ni New Vois Association of the Philippines (NVAP) President Emer Rojas na umaasa silang hahayaan ng mga naninigarilyo na mag-enjoy ang kanilang mga pamilya at kaibigan sa holiday season, nang hindi naiirita at nag-aalala sa usok ng sigarilyo.
“Let us stop ourselves from smoking, especially when we attend so many Christmas parties in the coming days,” paghihimok ni Rojas. “The best gift we can give to our friends, families, and loved ones this Christmas is not to bring them the threat that come with cigarette smoking, particularly second hand smoke.”
Bukod sa hindi paninigarilyo sa mga Christmas party, binigyan diin ng anti-smoking advocate na magiging mabuti kung ang magiging New Year’s resolution ng mga naninigarilyo ay ang tumigil sa kanilang bisyo.
“The traditional New Year’s resolution would be a good moment for those who have been looking to quit smoking,” ani Rojas. “Let us just hope that having this resolution will not be just like others that are meant to be broken.”
Samantala, nanawagan si Rojas sa local government units at law enforcement agencies na higpitan ang implementasyon ng pagbabawal ng paninigarilyo sa buong bansa, upang matulungan ang mga naninigarilyo na itigil ang kanilang bisyo.