CAMP MACABULOS, Tarlac City – Natagpuang patay ang isang babae na pinaniniwalaang may kapansanan sa pag-iisip, sa Barangay Apulid, Paniqui, Tarlac, nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa pulisya, nadiskubre ni Rodulfo Milla ang bangkay ng biktima habang naglalakad sa bukirin.

Sinabi naman ni Orlando Gamboa, 62, katiwala sa bukirin sa Bgy. Apulid, na nakita pa niyang palakad-lakad ang babae sa bakanteng lote ng Taruc Family dakong 10:00 ng umaga bago ito umalis.

Malaki ang teorya ng pulisya na heat stroke ang ikinamatay ng babae. - Leandro Alborote

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog