Ni Bert de Guzman

Nag-adjourn ng sesyon ang Kamara matapos maipasa ang mahahalagang panukala na maituturing na “pro-people and pro-development measures that reflect the hard work, dedication and productivity of its members”, sa pangunguna ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Sa kanyang report kay Alvarez, sinabi ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na naghain ang mga kongresista ng kabuuang 8,528 panukala simula nang buksan ang 17th Congress noong Hulyo 2016.

Sa bilang na ito, may 6,911 House Bill at 1,617 House Resolution.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagawa rin ng iba’t ibang komite na tapusin ang mga pagdinig sa iba’t ibang panukala at isyu, at nakapagsumite ng kabuuang 552 committee reports.

Ayon kay Fariñas, nakapagproseso ang Kamara ng kabuuang 2,100 panukala sa nagdaang 145 session days, na saklaw ng First Regular Session, at sa pagbubukas ng Second Regular Session ng 17th Congress, o average na 14 na panukala ang natalakay at inaksiyunan bawat araw.

Hanggang nitong Disyembre 14, 2017, nasa 39 ang naging ganap na batas makaraang lagdaan at pagtibayin ni Pangulong Duterte.