Ni REGGEE BONOAN

NAWALAN ng ganang magtrabaho si Jericho Rosales nang pumanaw ang kanyang ama kaya hindi niya itinuloy ang Almost Is Not Enough na muli sana nilang pagtatambalan ni Jennylyn Mercado – All of You na ang title ngayon bilang entry ng Quantum Films sa 2017 Metro Manila Film Festival.

JERICHO copy

Sina Echo at Jen ang bida sa script na isinumite ni Atty. Joji Alonso sa MMFF committee pero biglang umatras ang aktor kaya pinalitan siya ni Derek Ramsay.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“I’m not fit to work on the story, on the project and I hope that I can get to work with them again next time,” bumuntong-hiningang paliwanag ni Jericho nang humarap sa media sa grand launch ng Siargao sa STKD Zeppelin, Bgy. Kapitolyo, Pasig City.

“I wasn’t fit to work on that film nu’ng time na ‘yun. Napakalalim ko, napakabigat ng dinadala ko nang time na ‘yun and I needed to digest the entire... kung baga ‘yung pangyayari sa buhay ko.

“Everyday, I miss my father. Everyday, I miss him, I think about him. Meron akong kotse na legacy niya, ‘yung jeep ko na hindi ko nile-let go. Everytime na magta-travel ako nang nakamotor, every beautiful thing I see, every part of me, everything about me, nare-realize ko na I got it from my father, so I’m okay, I’m okay.

“I understand better now why I’m like this because of my father and my mother. Pero I’m healing, I’m healing. It’s gonna be the first Christmas na wala siya, first New Year. It’s gonna be hard. Pero kaya namin.”

May nagsabing mas pinili ni Echo ang Siargao kaysa sa balik-tambalan nila ni Jennylyn dahil ang kuwento ay tungkol sa surfing na paborito ng aktor.

“Hindi ako namili sa dalawa. I respectfully, politely declined with a proper message to the production, and to Jennylyn, Direk Dan (Villegas) and Attorney (Joji) I personally apologized,” diin ng aktor.

Nabanggit din ni Jericho na nang i-offer sa kanya ang Siargao ay hindi ito pang-MMFF, pero nang malamang may slot pa sa MMFF for finished films ay sinubukan itong isumite ni Direk Paul Soriano.

“Nagkataon lang na si Paul, nagkaroon lang ng opening, nagkaroon ng chance, we finished filming and he said ‘why not?’ ‘Nilagay niya and then a couple of weeks later, nakuha na namin ‘yung news na, ‘hey, part tayo ng MMFF’ so I’m really, really happy. But siyempre ako, ‘hey wait, I had to make sure that everything’s okay.”

Klinaro rin ni Echo na kapag nasa dagat daw ay kailangang naka-two-piece ang suot or else mahihirapan silang umarte.

“’Pag nasa beach ka, ang pagsusuot kasi ng bikini nasa konteksto lang ‘yan. If you’re at the beach, then there’s no problem kung mag two-piece ka. It’s difficult for someone who is very conservative para mag two-piece who doesn’t actually (wear) two-piece, mahirap umarte.

“’Pag nilagyan mo ng malisya ‘yung bikini then uncomfortable na ‘yung surrounding. If you’re at the beach, you’re not gonna wear suit, ang costume sa beach mostly surfers, boardshorts na nahuhulog na, halos nakikita mo na ‘yung puwet.

But there’s a reason why they’re wearing like that, we need to be loose pagdating sa surf board. So, I just wanna correct that notion na kapag nag-two-piece ka, malaswa or something or nagpapa-sexy ka na.

“Whether you have a great body or a normal body, whatever age you’re in, you can wear bikini, I can wear bikini if I wanted to (biro ng aktor). Kung may role ako na naka-bikini ako, gagawin ko.

“Kaya I don’t want to miss this to clarify, kasi kaming taga-beach, that’s our uniform, two-piece bikini and everything. And para sa akin, it’s the perfect timing, the perfect location to shoot Siargao,” mahabang paliwanag ng aktor.