Ni Annie Abad

GENERAL SANTOS CITY – Simula na ang paghahanap para sa mga bagong boxing sensation sa gaganaping Visayas leg ng PSC-Pacquiao Amateur Boxing Cup ngayon sa Robinson’s Place dito.

pacquio copy

Pangungunahan ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang mga panauhin sa pagpapasinaya sa torneo na bahagi ng isinusulong na grassroots boxing program ng PSC, Philippine Sports Institute (PSI), Amateur Boxing Alliances in the Philippines (Abap) at ni eight-division world champion Senator Manny Pacquiao.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nagkakaisa sina Ramirez at Pacquiao na malaki ang maitutulong ng torneo para sa pag-unlad ng sports at sa paghahanap ng mga bagong talento na mahuhubog na maging world-class athletes tulad ni Pacman.

Nananatili ang boxing bilang isa sa sports na may malaking tsansa ang bansa na magwagi ng unang gintong medalya sa Olympics.

“The PSC, through the PSI, is focused on grassroots sports although PSI is also helping elite athletes in their high performance training with PSI national training director Marc Edward Velasco spearheading the special ops for the Tokyo 2020 Olympics,” pahayag ni Ramirez.

Isasagawa ang qualifying rounds simula December 16 hanggang April 7 sa iba’t ibang lalawigan at lungsod sa bansa.

Nakatakda naman ang preliminaries sa April 14-15 sa Mandaluyong City, habang ang quarterfinals ay sa April 21-22 sa Bohol. Host ang Tagum City sa Davao del Norte sa semifinals sa April 28 bago ang Finals sa Mayo 5 sa General Santos City.

Samantala, makikiisa sa programa sina General Santos City Sangguniang Panlungsod (SP) member Alberto D. Pacquiao at Mayor Ronnel C. Rivera. Pangangasiwaan ni Criz Sander Laurente, ASBC 2015 best boxer, ang ‘oath of sportsmanship’.