BAGO maghiwalay ang taon, kumpiyansa si IBF world light flyweight champion Milan “El Metodico” Melindo (37-2-0, 13KOs) na maisusukbit ang titulo ni WBA world light flyweight champion Ryoichi Taguchi (26-2-2, 12KOs) sa kanilang pagtututos para sa IBF/WBA unification title sa Japan.

melindo copy

Target ni Melindo na madomina ang 108-lbs division at ang susi ay ang panalo kay Taguchi.

Tangan ng Japanese ang korona mula pa noong 2014 at naidepensa ito ni Taguchi sa anim na pagkakataon, kabilang ang draw kay undefeated Carlos Canizales ng Venezuela.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Hindi pa nakatitikim ng kabiguan si Taguchi mula noong 2013.

Nakamit naman ni Melindo ang titulo ng magwagi sa kababayan ni Taguchi na si Akira Yaegashi nitong Mayo. Matapos ang magkasunod na kabiguan kina Juan Francisco Estrada (2013) at Javier Mendoza (2015), naitala ni Melindo ang impresibong panalo via 1st round TKO kontra Yaegashi sa Tokyo.

Nitong September, naipagtanggol ni Melindo ang titulo kay two-division world champion Hekkie Budler via split decision.

“I want a resounding win that will make this card an amazing one,” pahayag ni Taguchi sa panayam ng Kyodo News.

Iginiit naman ng 29-anyos na si Melindo na gagawin ang lahat para magtagumpay.

“I am confident with my training after my fight with Budler,” sambit ng pambato ng Cagayan. “I am very happy I’ve been given this fight, because this is what I’ve been waiting for. I want to go down in history as the undisputed light flyweight king. Although I know Taguchi will not be an easy opponent, I will do what I can to make sure I put up a good fight, so I could win.”

“I still have two more belts to go after,” aniya, patungkol kina WBO at WBC title holder Puerto Rican Angel Acosta at Japanese Ken Shiro, ayon sa pagkakasunod.

Nakatakda ang Melindo-Taguchi IBF/WBA unification title sa Disyembre 31 sa Ota-City General Gymnasium sa Tokyo, Japan.