Ni NORA V. CALDERON

MASAYA ang mga reporters na bumisita sa set ng Ika-6 Na Utos sina Gabby Concepcion, Sunshine Dizon, Ryza Cenon, Zoren Legaspi at si Direk Laurice Guillen sa Celebrity Plaza. Isu-shoot nila ang isang big scene at nagpasalamat sila sa tulong ng press ngayong patuloy pa ring pamamayagpag sa ratings game ng kanilang afternoon prime drama series na one year na sa ere noong December 5.

Binati ng mga katoto ang sabay-sabay na pagkakapanalo ng acting awards sina Gabby, Sunshine at Ryza. Sa December 18 ang last taping day ng soap for 2017, at pagkatapos ay kanya-kanya nang bakasyon ang cast.

Si Gabby ay laging bumabalik sa kanilang bahay sa San Francisco kapag may break sa commitments dito. So, ano ang balak niya ngayong Christmas?

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Tulad nang dati, uuwi kami ng family ko sa bahay namin doon at malilinis na rin ang bahay,” natatawang sagot ng aktor. “Siguro, magiging gardener ako pagbalik namin doon. May caretaker naman akong iniwanan doon, pero iyong garden namin saka iyong mga trees doon, sinabi kong ako na ang gagawa kapag umuwi kami. Ayaw ko kasing magkamali siya sa pagputol ng trees doon saka iyong pag-aayos ng garden namin.”

Usually ay may tinatanggap na shows si Gabby kapag nandoon siya.

“Yes, may mga tinanggap ako, nami-miss ko rin kasi iyong dati kong ginagawa noong hindi pa ako bumabalik dito para balikan ang acting eight years ago. Mas gusto ko kasi iyong mga intimate shows lamang na close ka sa audience mo.”

Thankful si Gabby na sa pagbalik niya rito ay nagtuluy-tuloy na ang projects niya sa ABS-CBN, movies, at nang lumipat siya sa GMA Network at pumirma ng exlusive contract sa kanila, hindi na siya nawalan ng project at biggest nga itong Ika-6 Na Utos na aabot pa sa early 2018.

Mahuhusay ang writers ng afternoon prime drama na nang simulan nila ay intended for one season lang, pero dahil nagustuhan ng televiewers ay na-extend ito nang na-extend. Si Gabby ay gumaganap bilang Rome, si Sunshine ay si Emma, si Ryza ay si Georgia. Ang iba pang members ng cast ay sina Mike Tan, Rich Asuncion, Daria Ramirez, Pen Medina, Odette Kahn at pumasok si Angelika dela Cruz as Geneva, sister ni Georgia. May guest appearance din si Chynna Ortaleza at pumasok din si Zoren Legaspi, as Lyon na na-in love kay Emma.

Ang Ika-6 Na Utos ang tanging TV series ng GMA-7 na napapanood mula Monday hanggang Saturday, after ng Eat Bulaga.